Friday, April 24, 2015
WALA TALAGANG FOREVER W.T.F.
Sa buhay natin meron tayong iba’t ibang klase ng tao na nakikilala at nakakasalamuha. Etong mga taong ‘to ay maaaring magbigay sa atin nang lubos na kaligayahan. Swerte mo kung makakakilala ka ng isang taong feeling mo na “the one” na para sayo. Yung tipong dumating siya sa panahong kailangan na kailangan mo siya. Napunan niya lahat ng kasiyahan na hinahanap mo na mistulang isang anghel na ibinigay ng Diyos upang ipadama sayo na may forever, na dapat ma-appreciate mo ang buhay, ang pag-ibig, ang magmahal. Sobrang sarap siguro nang feeling kung ganun na lang palagi ano? Pero lahat ng relationships ay dumadaan sa stage na kung saan makakadama ka ng kirot sa puso mo. Kailangan nating tanggapin na walang perpektong kasiyahan, walang perpertong pag-ibig, at walang perperktong tao kasi ang happiness at success sa isang relationship ay naka-base ‘yan sa dalawang taong lumalaban upang mag-work ito. Minsan, nagkakamali siya, minsan, nagkakamali ka, tampuhan, nawawala ang “spark”, sumbatan at balikan ng mali. Kaya minsan kahit gaano ninyo kamahal ang isa’t isa dumadating kayo sa part na parehong nagkakasakitan na kayo and you end up breaking each other’s heart ng hindi ninyo namamalayan. Ganun talaga ‘e. Wala kasing forever. Buti nalang 7.50 nalang ang Ariel.
-JRLM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment